Ang sa akin lang...

7:51 PM 0 Comments A+ a-

Hindi naman sa galit ako. Nakakainis lang. Impernes, matigas din naman ako.   Galing lang dun sa isang kapisanan yung nagustuhan kong mga talento.  Meron ding iba pero madalang pa sa madalang. 

Eh hindi ko kasalanan kung hindi ko gusto yang ibang mga pangkat na yan.  Ang problema ko sa uri ng awitin na yan ay yung mismong tunog.  Wala akong pakialam kung sino pang pogi ang kumanta nyan, o kung ano ang hitsura ng  bijo.  Kung hindi ko gusto yung tunog, hindi ko gusto.  Kung sasabihin ko na ay gusto ko si ganito, ibig sabihin gusto ko na lahat.  Mali yun.  Malamang pakikinggan ko pero magustuhan?  Hindi kaagad-agad.  O baka hindi talaga.  Parang sinabi mo na "Ay mahilig kang magbasa? Ibig sabihin mahilig ka sa Twilight!"  Award ka naman, ate.  Hindi ganun eh.

Hindi ako nagmamatigas.  Sinusubukan ko naman eh.  Pinakinggan ko yung gusto nyong mga kanta.  May nagustuhan ako, merong hinde.  Lahat yun, pinahinaan o pinapatay ng nanay ko hehehe.  Pero walang kagaya nung "malaking pasabog" na minsan ko lang mapakinggan, mahal ko na.  Ganun yung hinahanap ko ngunit sa ngayon, dun lang sa isang kapisanan ko nadama yung ganung reaksyon.  Eh sa magaling sila, anong magagawa ko.

At hindi ko rin sinasabi na hindi magaling yung iba. Siyempre magaling din sila sa sarili nilang pagkakataon. Nakikita/naririnig ko rin naman yun eh.  Patawad na lang na hindi ko nakikibahagi sa pagmamahal ninyo sa kanila.  Pero pwede ba... huwag nyong ipilit.  Hayaan nyong yung awit at sayaw nila ang magpadama sa akin ng paghanga.  Medyo mataas ang baitang na nakasanayan ko sa malaking pasabog kaya siguro hindi ako madaling humanga sa iba.  Sa pagkakaalam ko, hindi bagong pangyayari iyun sa mga tagahanga nila.  g mata ng iba, mali iyun pero ganun eh.  Hindi maaring gusto mo lahat porke't galing sa isang uri ng musika or galing sa isang pangkat ng mag-aawit.

Matapos ang lahat, sinusubukan ko pa rin.  May mga narinig akong mga awit na nagusuthan ko galing sa mga ibang pangkat.  Isang simulat naman yun, diba?  :)  Pagbubutihin kong maghanap ng mga balita tungkol sa ibang mga tao, kahit hindi ko alam kung sino sila.  Tutal yun naman yun diba... and punu't dulo ng lahat... basta galing dun sa uri ng musika na yun, pwede.  Ewan, maari rin akong kumalas na lang.  Isang gawin pa yun sa araw-araw na hindi ko naman kailangang gawin.  Pero, masaya naman eh.  May mga natututunan akong bago, naririnig na mga bagay na hindi ko man lang malalaman kung wala sila.  Ayos naman.  Eto lang talaga.

I'm limited. - Elphaba.